TAONG 2018, binulaga ang mga residente malapit sa Fatima River sa Brgy. Lasang, Davao City dahil sa biglaang pag-apaw ng ilog.
Para maiwasan na hindi na maulit ang trahedya, ngayong araw, libu-libong mga puno ang naitanim ng mga volunteers sa Purok St. John, Bucana, Brgy. Lasang, Davao City.
Madaling araw pa lang, abala na ang mga volunteers mula sa iba’t ibang bahagi ng Davao City na nagtungo sa Brgy. Lasang ng siyudad.
Sa daraanan papuntang venue, may makikita agad ang mga gabay o direksiyon. Hanggang sa marating ng mga volunteer ang bucana ng ilog, kung saan isasagawa ang “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity.
Excited ang lahat nang sinimulan ang aktibidad ng isang maikling programa.
Sa imbitasyon ng Sonshine Philippines Movement (SPM), kasama ang Keepers Club International Davao City Chapter, mga estudyante ng Jose Maria College (JMC), mga reservist ng 912nd MRCR Marine Battalion ng EastMinCom, vloggers ng Panabo City, mga residente, maging ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan upang maitanim ang higit isang libong puno.
Taong 2005, sinimulan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga inisyatiba sa pangangalaga ng ating kalikasan kaya itinatag niya ang Sonshine Philippines Movement.
Mula noon hanggang ngayon mula Luzon, Visayas at Mindanao, laganap ang pagkilos ng SPM.
Para sa mga mag-aaral ng JMC, makabuluhan ang kanilang pagsuporta sa SPM sa kabila ng init ng panahon.
Samantala, nagpasalamat naman si Lasang Brgy. Captain Atty. Allan Simu-Ag dahil sa ipinakitang malasakit ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng SPM.
Bagamat hindi makakasama nang personal ng volunteers si Pastor Apollo, hindi ito naging hadlang upang maipagpatuloy ang mga magagandang adbokasiya na nasimulan ng spiritual leader ng KOJC.
Ang Brgy. Lasang ay huling barangay ng siyudad ng Davao na vulnerable sa baha sa tuwing tag-ulan dahil dito lumalabas ang tubig mula sa bulubunduking bahagi ng siyudad.
Para sa isang vlogger at environment advocate, naniniwala ito na kailangan ng matibay na pakikipag-tulungan ng mga komunidad para labanan ang epekto ng climate change.
Samantala, nagpaabot naman ng mainit na paghanga si Brgy. Captain Allan Simu-ag sa SMNI at sa mga programa nito na hango sa totoo at napapanahong balita sa ating bansa.
Ani Simu-ag, na sana ay magpatuloy ang pag-ikot ng SPM sa ibang dako ng siyudad upang mas mapaigting pa ang mga programa ng SPM at ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Patuloy ang mga adbokasiya ni Pastor Apollo, kasama ang mga milyun-milyong volunteers na hindi natitinag sa anumang hamon na kinakaharap ngayon.
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParasaDiyosatPilipinaskongMahal