ARAW-araw ay dumarami ang libu-libong sumisigaw ng hustisya sa gobyerno ni Bongbong Marcos Jr. sa ika-5 araw ng 7-day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila.
Ngayong araw ay mas nagiging mainit at madamdamin ang mga speaker sa panawagan sa presidente ng mga tunay na sitwasyon ng iba’t ibang sektor ng bansa.
Kalayaan sa panggigipit ang malakas na sigaw.
Ang mga kabataan ay mas lalong nauunawaan ang epekto ng hindi matinong pang-gobyerno ngayon.
Makikita ito sa kanilang sigaw na walang kapaguran kasabay ng sayaw, awit at pito ng tagumpay na itong lahat ay tutugunin ng Diyos na Makapangyarihan.