Libu-libong riders, ipinakitang ligtas at handa na ang Sultan Kudarat sa Kalimudan Festival 2023

Libu-libong riders, ipinakitang ligtas at handa na ang Sultan Kudarat sa Kalimudan Festival 2023

MADALING araw ay nagtipun-tipon na ang libu-libong riders sa Capitol Grounds ng Sultan Kudarat.

Ito’y para hindi mangarera, kundi para ikutin ang tourist destinations ng probinsiya.

Kasali ang mga rider sa Sultan Kudarat-SOX Motourism Adventure.

Bahagi ito ng mga aktibidad sa 25th Kalimudan Festival 2023.

Ang mga sumali, tuwang-tuwa sa ride dahil bawat checkpoint na kanilang dinaanan ay puno anila ng pagkain.

Si celebrity motovlogger Jet Lee ang nanguna sa aktibidad kasama ang iba pang motovloggers na bahagi ng promotions ng Philippine Motorcycle Tourism.

Sa kanilang pag-iikot, dalawang bagay ang napatunayan ng riders na ligtas ang Mindanao lalo na ang Sultan Kudarat sa Motourism.

Handang-handa na rin ang probinsiya sa pagtanggap ng maraming bisita para sa festival ngayong taon.

Ang event ay sinuportahan ng Department of Tourism (DOT).

“This Motourism event is a feat that’s hard to beat. This is the first time ever in Mindanao that there are more than 1,500 riders. And ang maganda nga dito is it’s showing Sultan Kudarat and SOCCSSKSARGEN is really a very safe destination,” ayon kay Nelia Arina, Regional Director, DOT-SOCCSSKSARGEN.

Kung dati masama na imahe ang naiisip ng sikat na motovlogger na si Jet Lee, kung Mindanao ang pag-uusapan.

Pero ngayon ang mga lugar sa Mindanao na ang kaniyang paboritong puntahan.

“Takot din akong pumunta ng Mindanao dahil sa mga sabi-sabi nila na delikado, may mga ganito ganiyan… But ‘yung time na pumunta ako dito, hindi pala totoo. Sobrang ganda, sobrang ganda. Dapat nilang puntahan. So everytime na tinatanong ako ngayon as a Philippine Motorcycle Tourism Ambassadress everytime tinatanong ako kung ano ‘yung favorite place kung puntahan, palagi ko sinasabing SOCCSSKSARGEN,” ayon kay Jet Lee, Philippine Motorcycle Tourism Ambassadress.

Nagpaulan naman ng papremyo ang Sultan Kudarat Provincial Government para sa mga sumali sa fellowship night ng mga rider sa Motourism event.

May mga nag-uwi ng raffle items at cash hatid ni Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu.

Isa lamang ito sa mga highlights sa 1-month long celebration ng 25th Kalimudan Festival.

Kasabay rin ng 50th Founding Anniversary ng probinsiya ng Sultan Kudarat.

“Huwag niyong i-scape; ‘Yan Guys dahil sobrang amazing dito. Sobra akong nag-eenjoy so…You should try, you should experience Sultan Kudarat. There’s so much more to love Sultan Kudarat,” ani Lee.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter