SAMPUNG araw matapos ang Mexico City Marathon, posibleng madiskwalipika ang nasa halos tatlong libong runners.
Ayon kay Kevin Cardenas, isa sa mga race organizer, ito ay dahil sa posibleng cheating at ‘unsportsmanlike’ na behavior na ipinapakita ng mga ito.
Nadiskubre na marami ang nilampasan ang bahagi ng ruta o sumakay ng sasakyan o public transport para matapos ang karera.
Matatandaan na nasa 30 libong katao ang nagparehistro para sa 26.2-mile race noong Agosto 27, pero ang naitala lamang sa mismong karera ay nasa 21,000 na runners.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga organizer sa kaso ng pandaraya.
Ang Mexico City Marathon ay isang Boston Marathon Qualifier ibig-sabiin, kapag nakakumpleto dito ang isang runner, maaari na itong sumali sa Boston Marathon.
Nagsimula ang Mexico City Marathon noong 1982 na dinaluhan ng mahigit pitong libong runners.