Libu-libong tao ang dumalo sa Wuhan Music Festival sa China

Libu-libong tao ang dumalo sa Wuhan Music Festival sa China

LIBU-LIBONG tao ang dumalo sa Wuhan Music Festival noong Sabado, isang taon na ang nakalilipas matapos maging epicenter ng COVID-19 pandemic ang nasabing lugar.

Ang pagdiriwang na ito ay idinaos habang karamihan ng mga bansa sa buong mundo ay kasalukuyang dumadanas ng mapaminsalang epekto ng second-wave ng coronavirus.

Makikita sa mga larawang nag kalat ngayon sa social media ang mga taong nagsasayawan, nagkakantahan at nag sisigawan sa tuwa habang nanonood sa mga stage performances.

Noong nakaraang taon lamang ay idinaos ang piyestang ito online.

Ayon sa mga dumalo, restricted pa umano ang dami ng tao sa naturang lugar na pinalibutan ng mga security personel.

May mangilan-ngilan pa rin daw na nagsuot ng face masks pero mas marami pa rin ang wala.

Ang pagbabalik sigla ng night-life na katulad nito sa Wuhan ay sensyales ng unti-unting pagbabalik normal ng buhay dahil na rin umano sa pag-asang dulot ng bakuna laban sa coronavirus.

SMNI NEWS