Libu-libong trabaho sa araw ng paggawa, naghihintay sa mga taga-Marikina

Libu-libong trabaho sa araw ng paggawa, naghihintay sa mga taga-Marikina

LIBU-LIBONG trabaho ang naghihintay para sa mga job seeker sa lungsod ng Marikina sa darating na Labor Day.

Ayon kay Marikina PESO Manager Gil Munar nasa 34 na kumpanya ang lalahok sa Labor Job Fair Day na gaganapin mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon ng May 1 sa SM City Marikina.

Aniya aabot sa higit 3200 na trabaho ang available sa naturang job fair.

Karamihan sa mga makukuhang tabaho sa Labor Day Job Fair ng Marikina ay nasa sevices sector tulad ng mga office at clerical works at mga trabaho sa malls.

Bukod rito, may dalawang shipping companies din ang lalahok sa job fair na nangangailangan ng mga empleyado.

Makikiisa rin ang Philippine Statistics Authority, Social Security System (SSS) at Pag-IBIG upang maiabot ang kanilang serbisyo sa mga aplikante.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble