Libu-libong volunteers sa Marilog, Davao City nakiisa sa inisyatibong “One Tree, One Nation” ni Pastor ACQ

Libu-libong volunteers sa Marilog, Davao City nakiisa sa inisyatibong “One Tree, One Nation” ni Pastor ACQ

BILANG bahagi ng nationwide initiative na sabay-sabay na pagtatanim ng puno sa buong Pilipinas ay libu-libu ang nakiisa at nakilahok sa Sitio Sungkulan, Marilog District Davao City.

Ito ay isa lamang sa mga lugar na kabilang sa malawakang o simultaneous tree planting drive bilang pagkakaisa sa “One Tree, One Nation” initiative sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasama ng mga volunteer.

Matatandaan na taong 2005 nang simulan ni Pastor Apollo ang massive pine tree reforestation sa isang nakakalbong bahagi sa paanan ng Mt. Apo na ngayon ay tinatawag ng Glory Mountain at makalipas nga ang mahigit 20 taon nagbunga na ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga volunteers sa pangunguna ni Pastor Apollo—at dahil sa kahalagahan at tulong na hatid na nito ay nais naman niyang ipagpatuloy ito ‘di lamang sa Davao City kundi sa buong bansa.

Ang tree planting site sa Marilog District na bahagi ng lungsod ng Davao ay isang rain forest na ancestral domain at nasa pag-iingat ng ating mga kapatid na katutubong Matigsalug.

Kung saan matatagpuan ang malagong kapunuan malalawak na panananim maging ang mga anyong tubig tulad ng waterfalls.

Bago ang mismong araw ng aktibidad, isang ritwal ang isinagawa bilang paggalang sa paniniwala at kultura ng ating mga kapatid na katutubo. Layon din nito na hilingin ang proteksiyon at kapayapaan para sa gagawing aktibidad.

“Ang tungkol naman din sa ritual, is sa mga ninuno po talaga namin, sa tribo sa Matigsalob. Ganon na po talaga parang inano na po talaga naming mula pa talaga sa mga lolo namin, ‘yun na talaga ang tradisyon naming na mag-ritual pag kung mag-ano ka ng area, kung mag-open ka ng area kahit ma- hagbas ka o mag-damo ka, nagri-ritual talaga kami.”

“Tinatawag namin ‘yung mga nakatira sa mga balite, bundok at sa anjan sa bato para hindi rin kami masaktan kasi ispirito ‘yan, kumbaga ispirito na masama tapos para hindi kami masaktan kasi ‘yung iba kasi ‘pag hindi ka nagpapaalam, may mangyayari sayo na masama kaya everytime na bago kami mag-proceed kailangan talaga meron talaga mangyayari na ritual kagaya kahapon,” wika ni Joseph Daginsal, Matigsalug Tribe.

Ibinahagi rin ng ating mga kapatid na katutubo ang kahalagahan ng inisyatibong pagtatanim ng puno.

Anila matapos ang paglapastangan ng mga illegal loggers sa kanilang lupang habilin na isang ring rainforest ay malaking tulong para sa IP community ang inisyatibong ito ni Pastor Apollo para sa kalikasan.

Patuloy rin ang pagpapasalamat ng mga ito, dahil kay Pastor Apollo ‘di lamang naisasaayos ang kapaligiran kundi nagkakaroon din ng boses ang mga katutubo na kadalasang nababalewala ng lipunan.

“Mahalaga po talaga sa amin ‘yan kase nga ‘yung ginagawa ni Pastor na magtatanim ng mga punong kahoy bukas, tree planting mahalaga po talaga para sa akin, sa aming mga katutubo dito sa Marilog kase para maproteksyonan ‘yung mga area na nasisira, ‘pag may bagyo naano sya ng ano tapos ‘yung nasisira ‘yung mga bukid gawa ng walang kahoy kaya nadadala ng tubig kung malakas ang ulan dito kaya sya natawag na para sa amin talaga, maganda po talaga ang layunin ni Pastor dito sa Marilog,” aniya.

Ang tree planting initiative na ito ay mahalaga hindi lamang sa pagpapanumbalik ng ganda ng kapaligiran kundi pati na rin sa pagpapalakas ng biodiversity, pagpapabuti ng kalidad ng hangin gayundin ang pag-mitigate ng pagbabago ng klima.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter