Lider ng Abu Sayyaf, nasawi sa engkwentro sa Tawi-Tawi

Lider ng Abu Sayyaf, nasawi sa engkwentro sa Tawi-Tawi

ISANG sub-leader ng teroristang grupo na Abu Sayyaf (ASG) ang nasawi sa ginawang counter-terrorism ng mga awtoridad sa Tawi-Tawi.

Alas singko ng umaga araw ng Martes, magsisilbi lang sana ng warrant of arrest ang tropa ng PNP Special Action Force (SAF), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Intelligence Group (IG) kay Udon Hasim na kilalang sub-leader ng Abu Sayyaf sa Brgy. Lahay-Lahay sa bayan ng Tandubas Tawi-Tawi.

Ngunit nanlaban si Hasim at umabot sa 30 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga terorista at tropa ng pamahalaan na nagresulta sa pagkasawi nito.

Si Hasim ay wanted dahil sa four counts of frustrated murder at 17 counts of murder.

Nakuha sa nasabing operasyon ang ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu, M14 rifle, isang M16 rifle, sari-saring bala at magazines para sa M14 at M16, at bandolier.

Inihatid na sa Tandubas Health Unit ang mga labi ni Hasim, habang ang isang personnel na sugatan ay kasalukuyang nagpapagaling sa Ciudad Medical Zamboanga.

Ayon sa Special Action Force, ang nasabing operasyon ay patunay na seryoso ang awtoridad na masawata ang terorismo sa rehiyon.

“This successful operation underscores the commitment and diligent efforts of the PNP SAF and other law enforcement agencies in combating terrorism within the region.”

“The PNP remains steadfast in its mission to ensure peace and security, demonstrating its capability to confront and neutralize threats to public safety,” pahayag ng Special Action Force.

Follow SMNI NEWS on Twitter