Lider ng CTG sa Samar, nasawi sa engkuwentro

Lider ng CTG sa Samar, nasawi sa engkuwentro

NASAWI ang isang kilalang lider ng communist terrorist group (CTG) na New People’s Army (NPA) matapos maka-engkuwentro ng mga sundalo ng 46th Infantry Battalion ng 8th Infantry Division sa Brgy. Cawayan, Catbalogan City, Samar.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok bago umatras ang mga rebelde at iniwan ang kanilang nasawing kasamahan.

Narekober naman ng mga sundalo ang isang 45 caliber pistol at mga subersibong dokumento.

Kinilala ang nasawing CTG leader na si Artemio Solayao alias Budil, lider ng Squad 2, Yakal Platoon, SRC Browser ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Si alyas Budil ay may iba’t ibang warrants of arrest para sa kaniyang ginawang mga karahasan laban sa tropa ng gobyerno kabilang na ang ginawang pag-ambush sa tropa ng 14th Infantry Battalion noong taong 2014 sa Maypadandan, Catbalogan City.

Umaasa naman ang Brigade Commander ng 801st Infantry Brigade na si BGen. Lenart Lelina na ngayong Kapaskuhan ay maikonsidera ng mga natitirang miyembro ng komunistang grupo na sumuko upang makasama ang kanilang mga pamilya.

“This Christmas season, we are hoping that you will choose to lay down your arms and return to the folds of the law. It is not yet too late, be with your family, the government will help you,” saad ni BGen. Lenart Lelina, Commander, 801st Infantry Brigade, PA.

Samantala, pinuri naman ni MGen. Adonis Ariel Orio kumander ng 8th ID ang naging matagumpay na operasyon ng mga sundalo at itinuring na isa itong malaking hakbang sa paglaban sa insurhensiya at malaking tulong sa pagkamit ng kapayapaan sa Eastern Visayas.

“This only shows our determination to put an end to terrorism and insurgency in the Samar provinces. The Philippine Army will remain steadfast in its mission to protect the people and eliminate threats to peace,” wika ni MGen. Adonis Orio, Commander, 8th Infantry Division, PA.

Binigyang-diin din nito na maaari sanang maiwasan ang ganitong pangyayari kung tatalima lang sana ang mga rebelde sa panawagan ng gobyerno na sumuko na at magbalik-loob sa pamahalaan.

“This incident could have been avoided if the CTG had surrendered and heeded the government’s call for peace,” ayon kay MGen. Adonis Orio, Commander, 8th Infantry Division, PA.

Sa huli, muling nanawagan si MGen. Orio sa mga natitirang miyembro ng CTG na sumuko na at i-avail ang mga benepisyo mula sa mga programa na inilaan ng gobyerno at mag bagong buhay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble