NAGLUNSAD ng outreach program ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong kaakibat ang ilang Filipino Community group upang tulungan ang mga OFW sa mabilis na proseso ng kanilang Overseas Employment Certificate (OEC)
Maaga pa lang ay nagtiyaga nang pumila ang mga mga OFW para sa pagpaparehistro ng kanilang OEC bilang requirement sa kanilang pagbabalik abroad.
Ayon sa Filipino Community leader, isinagawa itong programa para tulungan ang mga kababayang OFW na nahirapan sa pagpaparehistro ng OEC via online.
Nagpahayag naman ng samut saring reaksyon ang mga OFW hinggil sa bagong sistema ng OEC processing.
Samantala patuloy pa rin ang OEC processing outreach program para sa mga OFW’s na gustong magbakasyon ngayong peak season.