INIHAIN sa Kamara ang panukalang pagbibigay ng panghabangbuhay na buwanang pensiyon sa mga retiradong Pinoy Olympians.
Sa House Bill No. 3523, sakop dito ang olympians na nakaabot na ng 50 taon gulang.
Sa panukala, kahit P15-K ang ibibigay sa mga ito bilang pensiyon at hiwalay ito sa nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Sports Benefits and Incentives Act of 2001.
Sa naturang Republic Act ay makakatanggap ng incentives ang isang retiradong atleta o coach na nanalo sa isang international event.
Sa kasalukuyan, nasa 100 ang buhay pa na mga Pinoy Olympian ayon sa Philippine Olympians Association.