IPINANUKALA ni Davao City Rep. Paolo Duterte at tatlo pang mambabatas ang isang batas na magbibigay ng lifetime validity sa passports ng senior citizens.
Ang House Bill No. 6682 ay target na maamyendahan ang Philippine Passport Act of 1996.
Ayon sa mga mambabatas, hindi na dapat pang sasailalim sa mga mahahabang pila ang mga nakatatanda kung ito ay magre-renew o mag-aaplay ng passport.
Batay sa datos ng Commission on Population and Development, 8.7 milyong mga Pilipino ay mahigit 60 taong gulang na at 1.3 milyon mula sa naunang nabanggit na bilang ay mga mahihirap.
Kasama ni Rep. Duterte rito sina Benguet Rep. Eric Yap, at ACT-CIS Representatives Edvic Yap at Jeffrey Soriano.