Lightning shelters na agad makababawi sa naantalang flights sa tuwing may kidlat sa NAIA, naikabit na

Lightning shelters na agad makababawi sa naantalang flights sa tuwing may kidlat sa NAIA, naikabit na

SA tuwing sasapit ang tag-ulan, isa sa mga pinangangambahan ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay ang pagkakaroon ng red lightning alert (RLA) o kidlat.

Sa panahon kasi ng RLA, pansamantalang sinususpinde ang flight at ground operations sa NAIA.

Ang alerto ay isang hakbang upang matiyak ang kaligtasan at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente na maaaring magdulot ng panganib sa mga tauhan, pasahero, at maging sa mga operasyon ng paglipad.

Ang resulta naantala ang mga pasahero dahil nadedelay ang flights.

Hanggang ngayon gaya ng power outage, ay patuloy na ginagawan ng paraan para masolusyunan ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Aminado ang chief marketing and customer experience officer ng Cebu Pacific na si Candice Iyog mula sa ilang minuto na suspensiyon ng operasyon sa NAIA dahil sa RLA, nauuwi naman sa ilang oras at minsan nakakansela ang mga flights ng mga pasahero dahil sa tinatawag na domino effect.

Ayon naman kay Lei Apostol ang vice president for customer service operations ng CEB, mayroon silang itinalagang dedicated team na tumututok sa kanilang mga pasahero na naaapektuhan ng kanilang ng mga flights.

Kaya naman para maging katuwang sa hinaharap na suliranin sa paliparan, nag-donate ang Cebu Pacific ng limang mobile lightning shelters sa MIAA.

Layunin ng mobile lightning shelter na mabigyan ng kaligtasan ang mga pasahero at ang mga ground personnel sa tuwing magkakaroon ng red lightning alert o kidlat.

Sa pamamagitan nito agad may matatakbuhan ang mga ground personnel na lightning shelter malapit sa lugar kung saan sila naka-duty.

Makatutulong din ito para mas mabilis ma-recover ang pagkaantala ng mga pasahero dahil sa pansamantalang suspensiyon ng operasyon sa NAIA dulot ng RLA.

Sa kasalukuyan, nag-install na ang CEB ng tatlong mobile lightning shelters sa remote parking bay at rampa sa NAIA Terminal 3.

Inaasahan ng airline na makumpleto ang pag-install ng lahat ng lightning shelter units sa pagtatapos ng Abril.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble