Ligtas SumVac 2022, inilunsad ng PNP

Ligtas SumVac 2022, inilunsad ng PNP

INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) ang “Ligtas SumVac (Summer Vacation) 2022.”

Ito ay bilang bahagi ng new normal sa panahon ng tag-init kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga turista.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, ipinalabas ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang operational guidelines para matiyak ang minimum public health standards at ang kapayapaan at kaayusan lalo na sa tourist destinations o mga simbahan.

Inaasahan aniya ng PNP ang mas malaking bilang ng mga tao matapos ang dalawang taong quarantine restrictions sa bansa.

Habang inatasan din ang mga yunit at istasyon ng pulisya na makipag-ugnayan sa community-based volunteers at force multipliers sa mga dinarayong tourist destination.

Gayundin sa Department of Tourism (DOT) at counterparts para matiyak ang kaligtasan ng mga turista tulad na lamang ng pagsasagawa ng mobile patrols at police visibility sa matataong lugar partikular sa mga terminal.

Follow SMNI News on Twitter