Lillard, nagpasabog ng 71 points upang lampasuhin ang Rockets sa laban nito

Lillard, nagpasabog ng 71 points upang lampasuhin ang Rockets sa laban nito

NAGPASABOG si Damian Lillard ng Portland Trail Blazers ng career-high 71 points upang lampasuhin ang Houston Rockets sa naging laban nito.

Nagpakitang Gilas si Lillard sa harap ng Portland crowd kung saan nagtapos ang laban sa pagitan ng Blazers at Rockets sa iskor na 131-114.

Ito ang unang beses na nakaiskor si Lillard ng higit 70 points sa kaniyang NBA career at ito rin ang ikalawang beses ngayong season na lumampas ito sa 60-point barrier.

3 manlalaro pa lamang sa kasaysayan ng NBA ang nakakaiskor ng lagpas 70 points at ito ay sila Wild Chamberlain na may 100 points sa isang game, sinundan ito ni Kobe Bryant na may 81 points at David Thopason na 73 points.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter