INILABAS na ng Disney ang trailer ng mas exciting na live action adaptation ng sikat na American animated film na “Lilo & Stitch”.
Ang trailer ay inilabas kahapon na agad napansin sa online, at mapapanood na sa mga sinehan ngayong Mayo 23.
Highlights sa movie ang pagbabalik sa earth ng friendly alien na si Stitch at ang kanilang inspiring friendship ng adorable Hawaiian girl na si Lilo na naghahanap ng isang bestfriend.
Bibidahan ng Hawaiian girl in real life na si Maia Kealoha ang role bilang si Lilo at ng American actor and comedian na si Zach Galifianakis bilang boses ni Stitch na isang mischievous at lovable alien.
Exciting naman ang lineup ng cast ng film kasama ang iba pang actors and rising stars na sina Sydney Elizabeth Agudong as Lilo’s sister, Billy Magnussen, Tia Carrere, Hannah Waddingham, Jason Scott Lee at marami pang iba.