14 katao, nasawi sa dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu

14 katao, nasawi sa dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu

(UPDATED) DALAWANG pagsabog ang naganap ngayong araw sa Jolo, Sulu kaninang 11:54 ng umaga, Agosto 24, 2020.

Nangyari ang pagsabog malapit sa Paradise Food Plaza sa kahabaan ng Serantes St., Barangay Walled City, sa nasabing bayan.

Sa huling ulat, nasa 14 ang nasawi sa pagsabog kung saan pito dito ay mga sundalo, isang pulis, habang anim ay mga sibilyan.

Kabilang sa nasugatan ang 48 sibilyan, 6 PNP personnel at 21 na mga sundalo.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang unang pagsabog ay nagmula sa isang nakaparadang motor na may dalang Improvised Explosive Device.

Nagdulot ang pagsabog ng pagkasira ng ilang tindahan sa paligid kabilang ang isang food store at computer shop.

Dalawang army trucks din ang nasira sa naturang pagsabog.

Isang suicide bomber naman ang pinasabog ang sarili sa harap ng New Trading, Sanchez St. sa nasabing barangay na ikinasugat ng tatlong sundalo at anim na PNP personnel.

Sa kasalukuyan ay wala pang umamin sa responsibilidad ng naturang pagsabog at kasalukuyan pang iniimbestigahan ang pangyayari.

[tie_slideshow]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[/tie_slideshow]

Samantala, mariing kinondena ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles ang nangyaring magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na nangyari kaninang pasado alas onse ng umaga.

Ayon kay Nograles, malungkot na paalala ito kung bakit kailangan labanan ang terorismo sa Pilipinas.

Muli ring inulit ni Nograles na malinaw at kasalukuyang mapanganib ang terorismo sa bansa.

Umaasa naman ang kongresista na mahahanap ng Joint Task Force Sulu ang mga nasa likod ng pagpapasabog at mapanagot ang mga ito sa batas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.