Lindol sa Japan, ‘aftershock’ mula sa 9.0 magnitude na lindol noong 2011

AFTERSHOCK ng 9.0 na lindol nakaraang 2011 ang nangyaring malakas na lindol na tumama sa Japan noong Sabado, Enero 13 ayon sa National Meteorological Agency.

Tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa east coast ng Japan noong 11:07 p.m. ng Sabado.

Naitala naman sa 48 katao ang nasugatan sa Fukushima at Miyagi prefectures at walang naitalang nasawi.

Matatagpuan ang epicenter ng lindol sa 46 milya sa northeast ng Namie ayon sa United States Geological Survey na may 36 milyang lalim.

Wala namang naambang tsunami sa nasabing lindol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.