Lindsay Lohan, Jake Paul at iba pang celebrities, sinampahan ng kaso

Lindsay Lohan, Jake Paul at iba pang celebrities, sinampahan ng kaso

SINAMPAHAN ng kaso ang aktres na si Lindsay Lohan, YouTuber na si Jake Paul at iba pang celebrities ng United State-Securities and Exchange Commission (SEC), dahil sa pag-promote ng cryptocurrencies sa kanilang social media nang hindi sinasabing bayad ang mga ito.

Ang reklamong isinampa ay parte ng kasong tumatarget sa isang negosyanteng si Justin Sun dahil sa pag-promote nito sa Tronix at BitTorrent crypto asses nang hindi nirerehistro sa awtoridad at dahil na rin sa pagmanipula sa crypto trading sa kaniyang platform.

Bagaman hindi umaamin ang aktres na si Lohan at content creator na si Paul ay pumayag ang mga itong magbayad ng multa na nagkakahalaga ng 40,670, at 101,887 dollars.

Ang iba pang celebrity na sinampahan ng kaso ay ang singer na si Ne-Yo, at Akon na parehong pumayag na magbayad din ng settlement.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter