Listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps, magkakaroon ng dagdag-bawas

Listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps, magkakaroon ng dagdag-bawas

MAGKAKAROON ng dagdag-bawas sa listahan ng mga benepisyaryo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito’y dahil nakatakdang magtapos ang nasa 2-K pamilyang benepisyaryo.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11310 o ang 4Ps law ay matatanggal sa listahan ng programa ang mga pamilyang benepisyaryo kapag ang pinakabatang miyembro ng pamilya ay umabot na sa 18 na taong gulang.

Epektibo ang pagtanggal sa kanila sa listahan sa pagtatapos ng schoolyear sa Setyembre.

Samantala, ang mga benepisyaryo naman na nasa waiting list ang maidaragdag sa listahan ng mga benepisyaryo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble