Livelihood training sa “Reusable Bayong” ipinagkaloob ng TESDA sa mga inmates ng DPPF

Livelihood training sa “Reusable Bayong” ipinagkaloob ng TESDA sa mga inmates ng DPPF

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) and “Reusable Bayong-Making” sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) para sa 64 na persons deprived of liberty (PDLs).

Layunin ng nasabing aktibidad na paghusayin ang mga kakayahan at talento ng PDLs na magagamit nila para kumita habang nasa loob ng kulungan.

Ang bayong na gagawin ng PDLs ay ipapakita at ibebenta sa PDL Products Display Center malapit sa DPPF Reformation Office.

Samantala, sa ilalim ng pamumuno ni Usec. Gerald Q. Bantag ng Bureau of Corrections, bukas-palad ang kaniyang tanggapan para sa mga work programs na magbibigay-daan sa mga bilanggo na maging kapaki-pakinabang.

Follow SMNI NEWS in Twitter