Liza Soberano, isa nang mental health podcaster ngayong 2022

Liza Soberano, isa nang mental health podcaster ngayong 2022

ISA nang mental health podcaster ang aktres na si Liza Soberano ngayong taon.

Magiging full-pledged mental health podcaster na si Liza Soberano.

Sa social media post ng actress, sinabi nito, magiging katuwang nya sa kanyang sariling podcast series ang mental healthcare company na “mind you”.

Aniya, hindi sya komportable sa hosting subalit kung usapang mental health development, handang-handa syang makilahok dahil malapit ito sa kanyang puso.

Sa panahon ngayong may pandemya, ayon kay Liza, importanteng bigyang prayoridad ang mental wellness at pag-usapan ito na walang pag-aalinlangan para sa ikabubuti ng isang tao.

Samantala, ang actress na si Yassi Pressman ang nagpakilala umano sa kanya sa nasabing mental health company.

Sa first airing ng podcast ni Liza, si Yassi naman mismo ang kanyang naging pilot guest.

Ibinahagi ni Yassi na kinokonsidera nyang “hardest time” sa kanyang buhay ang mawala ang kanyang ama.

SMNI NEWS