LNG import mula Russia papuntang France, mas tumaas sa unang bahagi ng 2024—analysis

LNG import mula Russia papuntang France, mas tumaas sa unang bahagi ng 2024—analysis

TUMAAS ang shipment ng liquified natural gas (LNG) mula Russia papuntang France sa unang bahagi ng 2024 ayon sa Institute for Energy Economics and Financial Analysis (IEEFA).

Para sa mga non-government organization gaya ng Razom We Stand, isa sa mga nagnanais na mabigyan ng matinding sanctions ang Russia, mistulang tumutulong ang mga importer ng France sa war effort ng Moscow dahil dito.

Hindi rin makakamit ang layunin na mai-phaseout ang fossil fuels mula Russia sa taong 2027.

Sa panig ng French importers gaya ng TotalEnergies, ang mga pag-atake ng Houthi Rebels ng Yemen sa mga dumadaang barko malapit sa kanila ang isang sanhi kung bakit mas pipiliin nilang mag-angkat ng LNG mula Russia kumpara sa Middle East.

May kontrata rin anila sila sa Russia bago pa man nag-umpisa ang Ukraine War.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble