Local absentee voting, aarangkada na simula ngayong araw

Local absentee voting, aarangkada na simula ngayong araw

AARANGKADA na simula ngayong araw ang local absentee voting sa bansa.

Batay sa COMELEC, mahigit 84,000 indibidwal na nakarehistro bilang local absentee voters ang boboto simula ngayon, Abril 27 hanggang sa Biyernes, Abril 29.

Kabilang sa mga boboto ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP, COMELEC, Department of Education, Bureau of Jail Management and Penology at media na naka-duty sa araw ng halalan sa May 9, 2022.

Ang early voters ay boboto lamang para sa national positions; president, vice president, 12 senators, at party-list at gagamit sila ng handwritten ballots.

Sinabi ng COMELEC na gagawin ng Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ang pagbibilang at canvassing ng mga boto sa May 9, alas 7:00 ng gabi sa loob ng Palacio del Gobernador.

Follow SMNI NEWS in Twitter