Local consortium, naghain ng P100-B NAIA upgrading

Local consortium, naghain ng P100-B NAIA upgrading

NAGHAIN ng proposal ang isang lokal consortium tungo sa P100-B na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upgrading.

Kasama sa consortium na ito ang Aboitiz Infracapital Inc., AC Infrastructure Holdings Corporation, Asia’s Emerging Dragon Corporation, Alliance Global-Infracorp Development, Filinvest Development, JG Summit Infrastructure Holdings, at ang New-York based na global infrastructure partners.

Layunin ng upgrading ang maging world-class airport ang NAIA.

Mapapansin ayon sa consortium na may congestion, reliability issues, at hindi kaaya-ayang passenger experiences ang mga dumadaan sa NAIA kaya target nilang mabago na ito.

Nakakatulong din anila ito sa economic growth ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter