Local horse racing, nais paunlarin bilang bahagi ng sports tourism industry ng Pilipinas

Local horse racing, nais paunlarin bilang bahagi ng sports tourism industry ng Pilipinas

PLANO ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) na gawing bahagi ng sports tourism industry ang local horse racing.

Ayon kay PHILRACOM Chairman Reli De Leon, nakatutulong ito para mapataas ang sales ng bansa at magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.

Inihahalintulad pa ni De Leon ang kanyang plano sa mga horse racing sa Estados Unidos at Dubai kung saan aabot sa 100 libong mga turista ang dumadayo para lang dito.

Kaugnay rito, ipapakita aniya ang potensyal ng kanilang plano sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Tourism (DOT) at iba’t ibang embassies na nasa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter