Local products na swak pangregalo, tampok sa Cashless Expo sa World Trade Center

Local products na swak pangregalo, tampok sa Cashless Expo sa World Trade Center

BINUKSAN ang isang expo sa World Trade Center kung saan tampok ang iba’t ibang lokal na produkto mula Luzon hanggang Mindanao. Pero imbes na physical cash ang pambayad, cashless transaction ang mode of payment dito.

Mistulang one-stop shop ang expo para sa mga naghahanap ng regalo dahil may mga mabibiling local products mula Luzon hanggang Mindanao.

Mayroon ditong mga damit, pagkain, sapatos, bags, decorations, at iba pa na perfect na pangregalo.

Kauna-unahang trade event, tampok ang cashless transactions, inilunsad

Pero kakaiba ang expo na ito dahil cashless o digital ang mga transaction dito.

Inorganisa ng GoDigital Pilipinas katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Trade and Industry (DTI), layon ng Cashless Expo na  hikayatin ang mga negosyante pati na rin ang mga mamimili na gumamit ng digital payments.

“Going cashless is more safe, more secure, and then it’s convenient,” pahayag ni Asec. Mary Jean Pacheco, Department of Trade and Industry.

“Makakatulong iyon sa pagpapalago ng business nila,” saad ni Asec. Mary Jean Pacheco, Department of Trade and Industry.

“Mas safer siya kasi hindi siya nadudukot. Kahit mawala ‘yung cellphone safe naman ‘yung pera sa account. And number 2, very convenient siya. Kasi you don’t have to bring your wallet. You just your phone,” ayon kay Mamerto Tangonan, Deputy Governor, Bangko Sentral ng Pilipinas.

Isa ang mga negosyo ni Sabrina at Shaminnah sa higit 200 exhibitors na lumahok sa nasabing event.

Bilang ng mga negosyante, malaking tulong anila ang cashless payments.

“Aside from it being a lot more sanitary, we don’t also have to prepare for like change, coins, and also it’s very convenient. We don’t have to deposit the money anymore,” ayon kay Sabrina Teves, May-ari, Garnish Accessories.

“Hawak mo ‘yung pera. May iba nawawalan ng pera kasi nakikita ng ibang tao. Pero unlike ‘yung cashless na ganito nasa phone mo lang,” ani Shaminnah Caubang, May-ari, Natureline Enterprises.

“Like ngayon kasi di ba may OTP na hinihingi so hindi lahat nakikita ng mga tao, sarili mo lang. So secure na secured ‘yung pera,” wika ni Shaminnah Caubang, May-ari, Natureline Enterprises.

Sabi ng BSP na apat sa sampung Pilipino ang gumagamit na ng cashless payments.

Target ng BSP na maitaas pa ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng digital transactions sa 60% hanggang 70% sa 2028.

Pero bukod sa ligtas at mas madali ang cashless payments, malaking tulong din ito para sa mga Pilipino upang mas madaling makapag-loan sa mga banko at makabili ng insurance products.

“’Yung access natin sa mga financial services ay lumalalim. Bakit importante ‘yun? Kasi gusto nating lahat tayo makinabang para lahat ng mga kababayan natin umangat sa buhay,” ayon kay Mamerto Tangonan, Deputy Governor, Bangko Sentral ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble