Localized lockdown, ipinatutupad sa higit 100 lugar sa bansa

Localized lockdown, ipinatutupad sa higit 100 lugar sa bansa

ISANGDAAN at labingdalawang mga lugar sa buong bansa ang kasalukuyang isinailalim sa localized lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

Batay sa datos ng DILG, sa 112 na lugar, 67 dito ay nasa Cordillera Autonomous Region; 18 sa National Capital Region at 19 sa Cebu.

 

Tig-iisa naman mula sa Cavite, Quezon Province at Leyte.

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, ang pagpatutupad ng localized lockdown ay makatutulong para mapigilan ang paglaganap ng virus.

 

Samantala, umabot na sa 7,156 kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Cebu.

 

Batay sa datos ng Cebu Provincial Health Office, nasa mahigit apat na libo pa ang aktibong kaso ng COVID-19 at mayroong mahigit dalawang libong bagong kaso ng COVID-19.

 

Mahigit kalahating porsyento sa kabuuang kaso ng probinsya ay mula sa cebu city na aabot sa mahigit apat na libo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

Sa ngayon, itinuturing na bagong epicenter ng COVID-19 pandemic ang Cebu City sa bansa.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.