SASAILALIM sa localized lockdown ang Barangay Katuparan, sa lungsod ng Taguig simula ngayong araw Agosto 19 at magtatapos naman ito hanggang Setyembre 2.
Ang nasabing lockdown ay base sa rekomendasyon ng Safe City Task Force dahil sa naitalang mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umabot sa 20 miyembro ng household ang naiulat na nagpositibo sa kaso ng COVID- 19 sa Barangay Katuparan.
Sa ilalim ng lockdown, walang pinapayagan na lumabas sa kani-kanilang tahanan habang ang mga karagdagang seguridad ay ipatutupad.
Bukod sa Barangay Katuparan, isasailalim din sa localized lockdown simula ngayong araw hanggang Setyembre 2 ang mga business establishment ng Barangay Palingon-Tipas, Taguig City.
Ayon sa ulat, nasa 52 indibidwal sa lugar ang sumailalim sa PCR test pero 18 dito ay nagpositibo sa naturang sakit.
Sa ilalim ng localized lockdown pansamantalang ikokordon ang mga tirahan ng mga workers sa lugar upang tiyakin na walang makakalabas o makakapasok sa mga pasilidad.
Round- the -clock naman na titiyakin ng quarantine and containment management team ang seguridad sa lugar.
Gayunpaman, gagawin ng Taguig local government unit ang lahat ng suporta at mga pangangailangan sa panahon ng lockdown.