Lockdown sa Bontoc, Mountain Province, posibleng i-extend

POSIBLENG i-extend pa ng munisipalidad ng Bontoc ang ipinatutupad nila na lockdown sa limang barangay matapos nakitaan ang lugar ng 12 UK variants ng COVID-19.

Sa panayam ng SMNI News, hakbang ito ani Claire Peel, ang spokesperson ni Mayor Franklin Odsey ng Bontoc, Mountain Province, para hindi na lalaganap pa sa ibang kalapit na lugar ang nasabing variants.

Nilinaw naman ni Peel na may ayuda namang ibinigay ang national government habang nakasailalim sila ngayon sa lockdown.

Matatandaang isang OFW mula United Kingdom ang umuwi sa Bontoc noong December 13 ang siyang naging unang positive sa UK variant sa lugar.

Nag-negatibo ito pagkadating sa Pilipinas kaya pinayagan itong makauwi sa Bontoc noong December 14 subalit noong December 29, ay nagpapakita na ito ng sintomas ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, nagpositibo na rin si Bontoc Mayor Franklin Odsey sa COVID-19 noong Lunes.

34 sa 116 contacts ng 12 UK-variant cases sa Bontoc ay nagpositibo sa sakit habang ang iba ay nag-negatibo naman.

Samantala, 28 pa ang hindi sumailalim sa test.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.