PINAYAGAN na ng lokal na pamahalaan ng Manila ang walk-in appointments sa lahat ng vaccination sites matapos na magkaroon ng mababang bilang na nagpunta sa unang araw ng implementasyon nito.
Nagtungo si Maynila Mayor Isko Moreno sa Robinson Manila upang tingnan ang sitwasyon at kalaunan ay pinayagan na nito ang mga walk-ins na magpabakuna matapos na makita ang halos walang laman na vaccination area.
Gayunman, hindi naman tukoy kung gaano katagal ang magpapabakuna sa pamamagitan ng walk-in appointment.
Ayon sa lokal na pamahalaan, sa 28,000 na allocated doses, tanging 4,210 lamang ang pumunta sa kanilang appointment sa 22 vaccination sites.
Ngayong Lunes ang unang araw ng pagpapatupad sa lungsod ng “no walk-ins” at tanging ang mga naka-iskedyul lamang ang tatanggapin kasunod ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong weekend.
(BASAHIN: Manila LGU ipinagbabawal na ang walk-ins sa vaccination sites)
Special non-working holiday idineklara sa Maynila sa June 24
Samantala, idineklara ng Malacañang ang Hunyo 24 bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila.
Ito ay para bigyan-daan ang paggunita sa ika-450th founding anniversary nito.
Ang deklarasyon ay nakasaad sa Proclamation No. 1167 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Nakasaad sa proklamasyon na sa pagdaraos ng mga aktibidad, pinayuhan ang lahat na pairalin pa rin ang social distancing at public health measures.