Lokal na turismo sa bansa, mapalalakas pa kasunod ng panibagong ugnayan ng DOT at PWC

Lokal na turismo sa bansa, mapalalakas pa kasunod ng panibagong ugnayan ng DOT at PWC

OPISYAL nang nilagdaan ng Department of Tourism (DOT) at PricewatershouseCoopers  (PWC) ang kasunduan ng dalawa para sa mas malakas na local tourism industry sa bansa.

Muling pinagtibay ngayong araw ng Department of Tourism at PricewaterhouseCoopers (PWC) ang ugnayan ng dalawa para mapalakas pa ang turismo sa bansa.

Ang pokus ngayong taon, ang mas malagong turismo sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magtutulungan ang dalawang sektor para mas mapaganda pa mga pasilidad ng mga hotel at resort sa iba’t ibang LGUs kasama na ang mga pangunahing tourist destinations sa bansa.

Para sa grupo, mahalaga na maipaabot ng mga LGU sa pamahalaan kung ano ang mga kakulangan ng mga ito para agad na matugunan ang kanilang pangangailangan.

Hindi lang para sa paglago ng lokal na ekonomiya kundi ang matulungan din ang mga ito na maipagmalaki hindi lang sa Asya kundi maging sa buong mundo.

Halos tatlong taong naantala ang ugnayan ng dalawang ahensiya dahil sa nangyaring pandemya dulot ng COVID-19 na tumama sa buong mundo kasama na ang Pilipinas.

Matatandaang, sunud-sunod ang promosyon na ginagawa ngayon ng Tourism Department ng bansa partikular na ang pagbubukas ng oportunidad sa Mindanao Region na maging sentro ng turismo at hindi ng terorismo na nagsilbing malaking hakbang hindi lang sa larangan ng ekonomiya at trabaho kundi ang hangad na kapayapaan sa rehiyon ay sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble