Long term solutions, dapat tutukan para maibsan ang mataas na bilihin –Supermarket Association

Long term solutions, dapat tutukan para maibsan ang mataas na bilihin –Supermarket Association

DAPAT simulan nang mag-isip kung ano nga ba ang makakatulong sa publiko na pangmatagalan hinggil sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

Ayon ito kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua sa panayam ng SMNI News.

Bagamat nakakatulong ang Kadiwa stores at pagbibigay ng ayuda para maibsan ang pasanin ng publiko hinggil sa mataas na presyo ng bilihin, mainam aniya kung may 6-year term na plano ang anumang administrasyon.

Bumilis sa antas na 8% ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Nobyembre 2022.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 10.0 percent inflation at 58.4 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter