Lorenzana, mag-self-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanyang staff

Lorenzana, mag-self-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanyang staff

 

MULING sasailalim sa self-quarantine si Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang magpositibo sa COVID-19 ang kanyang isang staff member.

 

Ayon kay Lorenzana, nagpositibo si Colonel Rolly Nerona na kasama niya sa Jolo, Sulu kahapon base sa PCR test na isinagawa rito noong Biyernes, Hulyo 10.

 

Sinabi ng Defense Secretary na nakasama rin niya si Nerona sa Subic noong nakaraang Biyernes.

 

Nilinaw naman ni Lorenzana na wala ang nasabing staff sa event ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo kahapon dahil ini-isolate na ito.

 

Sinabi rin ni Lorenzana na wala siyang anumang sintomas ng coronavirus at hinihintay na lang nila ang resulta ng kanyang swab test na isinagawa kaninang umaga.

 

Samantala, sasailalim rin sa self-quarantine si AFP Chief at Chairman of the Joint Chiefs Felimon Santos.

 

Ito ay matapos ma-exposed si Santos sa staff ni Defense Secretary Lorenzana na nagpositibo sa COVID-19.

 

Ang staff ay kasama ni Santos at Lorenzana sa Jolo, Sulu kahapon pero wala sa event ni Pang. Rodrigo Duterte.

 

Una nang nagpositibo sa COVID-19 si Santos noong Marso.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.