Lorenzana, pinasalamatan si PBBM sa panibagong pagkakataon na makapaglingkod sa bayan

Lorenzana, pinasalamatan si PBBM sa panibagong pagkakataon na makapaglingkod sa bayan

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si dating Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang  bagong hepe ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Sa isang text message, sinabi ni Lorenzana na nagpasalamat ito kay Pangulong Marcos sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa kanya na makapagserbisyo muli sa bansa lalo na sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Saysay ni Lorenzana, ang AFP ang may pinakamalaking bahagi ng kinita ng BCDA na inilaan para sa modernisasyon nito.

Bukod kay Lorenzana, nanumpa rin ang walong iba pa kay Pangulong Marcos nitong araw ng Huwebes.

Kabilang dito sina:

Cesar Chavez

Undersecretary – Department of Transportation

Emerald Ridao

Undersecretary – Office of the Press Secretary

Franz Imperial

Undersecretary – Office of the President

Honey Rose Mercado

Undersecretary – Presidential Management Staff

Atty. Jose Calida

Chairperson – Commission on Audit

Bianca Cristina Cardenas Zobel

Social Secretary

Gerald Baria

Undersecretary – Office of the President

Diorella Gamboa Sotto-Antonio

Chairperson – Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)

Nagpaabot din ng pasasalamat si Sotto kay Pangulong Marcos  sa binigay na pagtitiwala sa pagtatalaga sa kanya bilang kinatawan o chairperson ng MTRCB.

Sa social media post naman ni PBBM, sinabi nito na patuloy ang pagtatalaga niya ng mga indibdiwal na inatasang maging bahagi ng iba’t ibang organisasyon sa loob ng kanyang opisina.

Tiwala at tiniyak din ni Pangulong Marcos na maglilingkod nang tapat ang mga ito sa bansa.

Samantala, nitong Huwebes din, nagkaroon ng pulong si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Department of Energy (DOE).

Sa kanyang social media post, sinabi ni PBMM na sa pandaigdigang krisis ng pagtaas ng presyo ng langis, isa sa magiging mahalagang kasama sa pagtugon dito ang Kagawaran ng Enerhiya.

Saad ng Punong-Ehekutibo, masusing tinalakay sa nasabing pulong ang mga susunod na hakbang at ang magiging direksyon ng departamento.

Sa ngayon, wala pa rin naitatalagang kalihim ng DOE maging sa posisyon sa Department of Health (DOH) at ilan pang ahensiya ng gobyerno.

AFP, binigyang-pugay si outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana

 

Follow SMNI News on Twitter