Lorenzana, suportado ang pagdeklara sa NDF bilang teroristang grupo

Lorenzana, suportado ang pagdeklara sa NDF bilang teroristang grupo

SUPORTADO ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagdeklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa National Democratic Front (NDF) bilang terrorist organization dahil sa kaugnayan nito sa mga komunistang rebelde.

Sa isang pahayag, sinabi ni Secretary Lorenzana na ang Department of National Defense (DND) ay umaasa na ang pagkakatalaga na ito ng NDF bilang terrorist  organization ay magtutulak pa sa mga pagsisikap ng gobyerno na maresolba ang usaping seguridad sa Pilipinas.

Umaasa rin ang gobyerno na ang ahensya na ito ay magiging dahilan upang maka-usad na ang defense sector para matugunan ang internal security concerns at maitayo ang sustainable, panghabambuhay na kapayapaan at national development.

Nakasaad sa ATC, na ang NDF ay isang integral at inseparable part ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na naka-designate bilang terror groups noong buwan ng Disyembre.

Dagdag pa sa resolusyon ng ATC noong ika-23 ng Hunyo, ipinakita ng Article 10 ng 2016 CPPP Constitution na ang NDF a.k.a NDFP ay ang pinaka-consolidated group na nagsusuporta sa pagpapalawig pa CPP-NPA.

 

SMNI NEWS