Lorraine Badoy, nirerespeto ang babala ng SC sa kaniyang pahayag kontra Judge Marlo Malagar

Lorraine Badoy, nirerespeto ang babala ng SC sa kaniyang pahayag kontra Judge Marlo Malagar

BUONG respetong tinatanggap ni Dr. Lorraine Badoy ang naging babala sa kaniya ng Korte Suprema.

Ito ay matapos gumamit ng analohiya si Badoy sa naging disisyon ni Judge Marlo Malagar sa pagbasura nito sa proscription case ng CPP-NPA-NDF.

Ani Badoy, hindi raw dapat ituring na isang ideolohiyang may ipinaglalabang pampulitika ang ginagawang brutal na pamamaslang ng CPP-NPA-NDF, bagkus dapat itong tawaging teroristang organisasyon.

Ikinagalak din ni Badoy ang resulta ng kaniyang pahayag laban kay Marlo Malagar na umabot sa pinakamataas na hukom ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter