‘Love Train’, handog ng DOTr para sa mga pasahero ng MRT-3 ngayong ‘love month’

‘Love Train’, handog ng DOTr para sa mga pasahero ng MRT-3 ngayong ‘love month’

MAKUKULAY na palamuti at disenyo gaya ng puso at rosas na may kasama pang nakapaskil na love quotes.

Ito ang makikita ngayon sa loob ng isang tren ng MRT-3 matapos pormal na inilunsad ang “Love Train” nito ngayong Huwebes, Pebrero 8.

Ang aktibidad ay bilang pakikiisa ng MRT-3 sa pagdiriwang ng Valentine’s Day o love month.

Pinangunahan ni Transportation Asec. for Railways at MRT-3 OIC Jorjette Aquino ang pagsakay ng tren mula North Ave. Station sa Quezon City hanggang Ayala Station sa Makati City.

Namigay si Aquino ng chocolates sa mga pasahero ng MRT.

Nagkaroon naman ng maiksing programa na nagtatampok ng harana sa may Love Booth ng MRT 3 bilang backdrop sa Ayala Station.

Follow SMNI NEWS on Twitter