HINDI gaanong dagsa ang mga tao sa Loyola Memorial Park ngayong Araw ng mga Patay kung ikukumpara sa mga nakaraang araw.
Hindi napigilan ng ulan ang mga dumalaw sa puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay sa Loyola Memorial Park nitong Miyerkules, Nobyembre 1.
Pero ang inaasahang 25,000 hanggang 30,000 kataong dadalaw sa nasabing sementeryo, pumalo lang ito sa 11,000 mahigit ayon sa Marikina Police.
Una nang ipinaliwanag ng Loyola na inaasahan nila na mahahati ang buhos ng mga tao sa sementeryo dahil sa napakahabang weekend.
‘‘Talagang mas kaunti. Mas kaunti. Noong Sunday kasi maraming nagpunta. And then, ngayon kasi medyo umulan. Medyo hindi maganda ‘yung panahon. Medyo kaunti talaga,’’ ayon kay Gabriel dela Paz, Manager, Loyola Memorial Park.
Wala namang naitalang untoward incident sa loob ng nasabing sementeryo.
Loyola Memorial Park ngayong Araw ng mga Patay, hindi dagsa ng mga tao
Samantala, ngayong umaga ng Araw ng mga Patay, hindi gaanong karami ang mga tao sa Loyola kumpara sa mga nakaraang araw.
Ang iilan, mas piniling dumalaw ngayong Nobyembre 2.
Tulad ni Aling Elvira na ayaw ng siksikan at ni Luz na aniya ay ngayon talaga dapat dalawin ang mahal sa buhay dahil ngayon ang Araw ng mga Patay.
Hindi na pinapayagan ang overnight sa nasabing sementeryo simula Nobyembre 2.