LP President, duda sa pagdistansya ni PBBM sa Cha-cha

LP President, duda sa pagdistansya ni PBBM sa Cha-cha

NAGDUDUDA ngayon si Liberal Party (LP) President at Albay Rep. Edcel Lagman sa pagdistansya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa usapin ng Charter change (Cha-cha).

Naunang giniit ng Pangulo na hindi ito prayoridad ng kanyang administrasyon sa kabila ng hakbang ngayon ng Kamara na talakayin ang pagluluwag sa economic restrictions ng Saligang Batas.

Saad ni Lagman, mayroong ‘furtive reason’ o palihim na dahilan ang Kamara para ipilit ang pagsusulong nito kahit pa nagsalita na ang Pangulo.

Aniya, hindi ito dahil sa separation of powers nila sa Lehislatura at Ehekutibo kahit na may supermajority coalition ang administrasyon.

Kundi marahil ani Lagman ay may kumpas ni Pangulong Marcos ang pagsusulong ng Cha-cha kahit na umiiwas ito sa isyu.

“Perhaps, it is because the President must have given his covert assent to Cha-cha even as he appears to be distancing himself from it,” ayon sa mambabatas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter