LPA minomonitor sa Mindanao, posibleng maging bagyo

LPA minomonitor sa Mindanao, posibleng maging bagyo

MINOMONITOR ngayon ang isang Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ito mahigit 300 kilometro silangan timog-silangan ng Tagum City, Davao del Norte.

Posibleng tawirin nito ang Mindanao, Visayas at Palawan sa susunod na mga araw.

Kung magiging bagyo ay papangalanan itong Querubin.

Samantala, maliban sa minomonitor na sama ng panahon, may tatlong weather systems ang umiiral sa bansa gaya ng amihan, shearline at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Dahil dito, aasahan na uulanin ang buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble