MAAARING maging bagyo na sa Linggo ang Low-Pressure Area (LPA) na minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Mindanao.
Ang low-pressure na ito ay ang dating Bagyong Querubin.
Sa ngayon ay inaasahan na magdadala ang LPA ng mga pag-ulan sa Visayas, Mindanao, at Palawan.