POSIBLENG maging ganap na bagyo ngayong araw ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng silangan ng Southern Luzon at tatawagin itong si Egay.
Ito ang sinabi ni Weather Forecaster Anna Clauren sa SMNI News batay sa 4am na weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Walang epekto ang LPA pero napapalakas na nito ang habagat kaya aasahan na ang maghapong maulap na kalangitan kasama ang kalat-kalat na mga pag-ulan sa bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas.
Ang nasabing LPA ay posibleng mag-landfall sa Central o Northern Luzon area o kaya ay kikilos palayo sa ating Philippine landmass.
Kaya inaasahan pa rin ang mga pag-uulan simula ngayong weekend partikular na sa araw ng Linggo hanggang sa susunod na linggo sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa habagat.