HUMIHILING ng pagtaas ng pamasahe ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) para sa LRT-1.
Ang petisyon na ito ay bahagi anila sa kanilang ‘periodic fare adjustment process’.
Sa kasalukuyan, nasa P14-P35 ang maximum fare para sa prepaid cards habang P15-P35 ang para sa single journey tickets.
Simula nang maisapribado ang LRT-1 noong 2015 ay inihain na ang pagkakaroon ng fare adjustments noong 2016, 2018, 2020, at 2022 ngunit hindi ito naaprubahan.
Ito’y dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng pagtutol ng mga mamamayan, at pagkakaroon ng COVID pandemic.
Taong 2023 lang nang maaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang inihaing fare adjustments.
Batay naman sa napagkasunduan, maaaring magpatupad ng fare adjustments ang LRMC sa bawat dalawang taon matapos naging epektibo ang kontrata.