LRMC, ipinagpaliban ang pagbawas ng mga tauhan sa LRT-1

LRMC, ipinagpaliban ang pagbawas ng mga tauhan sa LRT-1

IPINAGPALIBAN muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagtanggal sa mga tauhan ng LRT-1.

Sa pahayag ng LRMC, sinabi nito na ipinagliban muna ang pag-lay off sa mga empleyado sa ngayon upang hayaan ang kompanya na mag-recalibrate ng mga estratehiya at patuloy na suportahan ang team members at government partners hanggang sa kanilang makakaya.

Ayon dito, nangako ang Department of Transportation na susuportahan ang LRMC at maghahanap ng solusyon para masuportahan ang kanilang mga empleyado ngayong may pandemya.


Samantala, sinabi ng LRMC na magsasagawa sila ng LRMC-wide swab testing mula August 14 hanggang 19 bilang tugon sa mandato ng DOTr para sa lahat ng railway employees.

Bahagi rin anila ito ng paghahanda ng LRMC sa inaasahang pagbabalik operasyon ng LRT-1 sakaling alisin na ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Una nang sinabi ng LRMC na mahigit 100 tauhan ng LRT-1 ang tatanggalin sa trabaho sa Setyembre 15 dahil sa pagbaba ng ridership ng railway.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.