LIBRE para sa commuters ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ngayong araw, Disyembre 20, 2024.
Sa anunsiyo, buong araw ng operasyon ang saklaw ng libreng pamasahe.
Isang uri ito ng maagang Pamasko para sa lahat ayon sa pangulo ng bansa.
Ang Office of the President na ang magbibigay ng subsidiya para sa mga libreng sakay ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Tinatayang nasa 1.1 milyong commuters ang makakabenepisyo nito ngayong araw.