LRT-1, magsasagawa ng rail replacement sa Baclaran Station simula ngayong araw hanggang Linggo

LRT-1, magsasagawa ng rail replacement sa Baclaran Station simula ngayong araw hanggang Linggo

PANSAMANTALANG isasara ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang riles sa bahagi ng Baclaran Station para sa isasagawang replacement.

Magsisimula ang pagpapalit ng riles simula ngayong Miyerkules, Setyembre 20 hanggang sa Linggo, Setyembre 24.

Nagpaalala rin ang LRMC na dahil dito madadagdagan ng apat hanggang limang minuto ang timetable ng mga tren ng LRT-1.

Tiniyak naman ni LRMC chief operating officer Rolando Paulino na patuloy ang kanilang deployment ng bagong 4th generation trains na kayang magsakay ng mas maraming pasahero kung saan limang train sets na aniya ngayon ang nasa commercial service.

Magbabalik-normal ang operasyon ng LRT-1 sa Lunes, Setyembre 25.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble