INANUNSYO na rin ngayong araw ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang kanilang train service schedule sa darating na Semana Santa.
Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation, pansamantalang suspendido ang operasyon ng LRT-1 simula Huwebes Santo sa April 14 hanggang sa Eastern Sunday o April 17.
Ayon sa LRMC, nakatakda silang magsagawa ng Annual Maintenance Activities sa nasabing mga petsa upang patuloy na makapagbigay ng ligtas at maasahang transportation system.
Magbabalik operasyon naman ang LRT-2 sa April 18, 2022.
Una nang nag-abiso ang LRT-2 at MRT-3 ng kanilang tigil-operasyon simula April 13 hanggang April 17 dahil sa Semana Santa at annual maintenance activities.