NAG-aalok ng libreng sakay para sa lahat ng mga pasahero ang LRT-2 ngayong araw, Disyembre 10, 2024.
Sa anunsiyo, magsisimula ito alas siyete hanggang alas nuwebe ng umaga.
Magkakaroon pa ulit ng libreng sakay ang LRT-2 alas singko ng hapon hanggang alas siyete ng gabi.
Ang libreng sakay ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-76 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights at National Human Rights Consciousness Week.