INATASAN ng Department of Transportation (DOTR) ang ilang railway authorities na i-absorb ang LRT-1 employees na mawawalan ng trabaho.
Ito ay kaugnay ng ipatutupad na layoff o pagbabawas ng gastos Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Partikular na inutusan ng DOTr ang pamunuaan ng Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, dapat na i-hire ng mga ito ang mga kwalipikadong empleyado ng LRT-1 na apektado ng layoff.
Lalo’t matindi ang pangangailangan ngayon ng marami bunsod ng kinahaharap na pandemya.
Una nang sinabi ng LRMC na mahigit 100 employees ng LRT-1 ang tatanggalin sa trabaho sa Setyembre 15 dahil sa pagbaba ng ridership ng railway.